Solid Waste Problem Thread « Thread Started on Aug 3, 2009, 12:00pm »
One of the most serious problems facing our beloved city of Malabon is with regards to solid waste management.
We are in a very disadvantaged position considering that our city is flood-prone. If there's any other city (aside from Navotas) in the NCR that should seriously address its solid waste problem, it is Malabon.
I hope to start a discussion on how we, ordinary citizens and officials, can resolve this problem.
I have my own observations and suggestions, but why don't we start with yours?
Kindly speak your mind out; it doesn't matter if it's in English or Tagalog. Magkakaintindihan tayo basta maayos na mga obserbasyon at makabuluhang mungkahi lang po.
Re: Solid Waste Problem Thread « Reply #1 on Aug 3, 2009, 4:40pm »
It is very nice to know that there are still person/s that cares for our environment. Maybe as a start of resolving the issue at hand we on ourselves must instill discipline with regards to proper waste disposal. The local officials alone cannot resolved the garbage problem without the support of its constituents. Let us support the 3 R's of waste management
One of the most serious problems facing our beloved city of Malabon is with regards to solid waste management.
We are in a very disadvantaged position considering that our city is flood-prone. If there's any other city (aside from Navotas) in the NCR that should seriously address its solid waste problem, it is Malabon.
I hope to start a discussion on how we, ordinary citizens and officials, can resolve this problem.
I have my own observations and suggestions, but why don't we start with yours?
Kindly speak your mind out; it doesn't matter if it's in English or Tagalog. Magkakaintindihan tayo basta maayos na mga obserbasyon at makabuluhang mungkahi lang po.
Salamat
Gud day sir Jun! and a nice topic to start! vice arnold will be glad to hear every suggestions regarding this problem! IMHO.. tlagang disiplina lang kung hindi man mawala eh mabawasan....
« Last Edit: Aug 3, 2009, 10:54pm by reddydeleon »
"The harder you work, the harder it is to surrender."
Joined: Jul 2009 Gender: Male Posts: 25 Location: Potrero, Malabon
Re: Solid Waste Problem Thread « Reply #3 on Aug 4, 2009, 7:00am »
Malalim ang ugat ng problema natin sa basura. Totoong may pagkukulang ang mga nasa pamunuan pero gusto kong i-focus natin ang issue sa ating mga sarili at pamilya.
Ilan beses na ba tayong nakakita ng mga taong kaysa ibulsa ang hawak na maliliit na basura (food wrappers, tissue, etc) ay basta na lang ito itinatapon kung saan-saan?
Gaano karami pa bang mga pamilya na naninirahan sa gilid ng mga sapa na kaysa ilabas at itapon ng maayos ang basura ay sa mismong sa sapa pa nila itinatapon ang mga ito?
Kailangan na ang bawat isa sa atin ay bahagi ng solusyon. Hindi puedeng si Mayor lang, si Vice Mayor lang, si Kapitan lang o mga Kagawad lang... eh asan tayo sa solusyon?
Sabi nga, ang kaunting basura, pag pinagsama-sama ay malalang problema.
In effect, even our small personal acts of maintaining cleanliness kung nasaan tayo (bahay man o nasa kalsada), pag pinagsama-sama ay magdudulot din naman ng malawak na pag-babago sa ating buong lungsod.
Re: Solid Waste Problem Thread « Reply #4 on Aug 5, 2009, 8:42am »
Di natin maiaalis na marami tayong mga kababayan na walang disiplina. Na kahit anong himok ang gawin natin ay patuloy silang susuway sa mga pinika-simpleng ordinansa. I have seen this, time and again, in our community along Ma. Clara (maliit), Tugatog.
Among the more than 30 streets in our barangay, Ma. Clara is one of the most depressed. Hindi po ito pangungutya sa mga kababayan nating salat sa buhay (salat din po ako). Ang pinagtataka ko lang, ay bakit kung sino pa yung pinaka-grabeng magdurusa sa problemang dulot ng karumihan, ay sila pa yung mahilig magkalat.
Sa mga pagkakataong ganito, palagay ko, ang may pagkukulang ay ang ating mga kinauukulan. Sapat na yung dami ng mga ordinansa para sa kalinisan. Ang kulang, sa tingin ko, ay “political will” para ipatupad ang mga ito.
Totoo na responsibilidad nating lahat ang mag-ambag para sa ikababago ng bayan natin, pero ilan sa mga taga-Malabon ang kusang gagawa nito?
Sa palagay ko, kailangang manggaling ang tunay na pagbabago sa taas. Dahil tayong mga ordinaryong mamamayan, kahit na mayroon tayong adhikaing makakatulong sa bayan, wala tayong kapangyarihang ipatupad ang mga ito; hanggang mungkahi lang tayo. Kung walang suporta ng mga kinauukulan, wala rin tayong magagawa.
Re: Solid Waste Problem Thread « Reply #5 on Aug 16, 2009, 10:38am »
Here's an example of what I said about ordinary citizens being powerless, though, we have some ideas on how to improve our community.
Around 2 or 3 years ago, I submitted the following letter to the office of our Honorable Mayor:
OFFICE OF THE CITY MAYOR OF MALABON F. Sevilla Blvd.,Bgy. San Agustin, Malabon City
Dear Hon. Mayor Canuto Oreta:
We got information that last August, our city started dumping its solid waste in Navotas City thru the barge owned by R-II Builders. A call we made at the Solid Waste Management Office (or SWMO) confirmed this.
We are greatly elated by this development and fervently hope that our city’s problem, in general and Barangay Tugatog’s problem regarding solid waste, in particular, will be greatly alleviated.
For more than three very difficult years, we have been left with just a single garbage truck that collects wastes generated in more than 30 streets in our barangay. No matter how hard our barangay officials try, our single truck cannot cope up with the volume of wastes that are generated daily in our barangay.
May we, therefore, request that the garbage trucks of SWMO be again deployed into the inner streets of Tugatog to collect wastes generated thereat. Doing so will be a great relief to whatever measly resources our barangay has at its disposal.
Thank you so much.
Sa sinamang palad, hanggang ngayon, isang beses sa isang linggo (pinakamarami na yung 2 beses) pa rin kung mangolekta ng basura ang garbage truck ng barangay sa amin.
Ngayon, paano nating ipipilit sa mga tao na wag ilabas yung mga sako nila ng basura? Paano din nating sasabihing wag silang magkalat?
Like I said in the other thread, I live in a very depressed community in our barangay. How can you expect people to keep their garbage indoors when so many of them have very cramped dwellings. Madami sa kanila, yung bahay nila "all-in-one;" kung saan sila natutulog doon din sila nagluluto, naglalaba, kumakain.
Papanong di magkakalat ang mga tao kung bihirang kolektahin ang basura?
There is another proposal I made, band-aid solution lang po ito, pero kahit paano, sa tingin ko, makakabawas ng kaunti sa problema sa basura.
I am attaching a picture of a set of garbage bins I saw outside a factory near where I live. I hope the image gets attached. I am prompted that every time I preview my post, the attached file will be removed. So, I'm posting this not knowing if the image will show.
Re: Solid Waste Problem Thread « Reply #7 on Aug 28, 2009, 7:42pm »
Ang Pilipino, kahit saan ka magpunta, magkakalat at magkakalat basta walang makitang basurahan.
Madaling sabihing ibulsa muna yung maliliit na basura. Pero paano kung yung basura mo ay upos ng sigarilyo, stick ng banana-q, yung karton na lalagyan ng fishball na may sauce, cellophane na pinagsalinan ng softdrinks at marami pa?
I personally will walk several meters to throw my litters into a trash bin. Pero kung wala akong makitang basurahan, kahit sa mall pa yan (remember the time when there was bomb alert in Metro Manila and many malls removed waste bins?) e patago kong itatapon sa daan yung upos ng sigarilyo ko.
In 2007, we asked for several pieces of discarded wood from Coun. Eddie Nolasco (that was the time when several councilors distributed hundreds of benches and so many videokes all over Malabon). We also asked that the wood be cut according to specs.
We also asked for discarded paint cans (20 liter cans ata yun kagaya ng mga balde ng Spring Oil) from the scaffolding factory in our neighborhood. We also asked for 2 cans of 1 liter each of paint (orange and green) from our barangay chairman.
Some of our neighbors volunteered to build trash cans. Yung mga lata pininturahan ng kulay orange. Pero di pwedeng basta ipatong sa gilid ng daan yung lata dahil madaling masisira dahil mababad sa tubig pag umulan.
Yung mga kahoy ginamit naming stand ng mga lata (sorry I lost the pix). Patungan lang sya na may apat na paa mga 6 inches ang taas para di mababad sa tubig yung lata pag umulan. Pininturahan ng kulay green.
Mga 20 sets of waste cans and stands ata nagawa namin. We postioned each around 10 to 15 meters apart along each side of the street, alternately.
Hindi na-solve yung waste problem pero nakatulong dahil lahat ng basurang tinapon doon, sa tingin nyo po saan napunta kung wala yung mga basurahan dun? – sa kalsada o sa kanal.
Sana sa susunod na eleksyon, yung mga kandidatong napakahilig magpakalat ng mga bangko or benches at videoke ay basurahan na lang po and ipamigay nyo.
Yung mga bangko, ginagawang tambayan, ginagamit din pag nag-iinuman at sa pagto-tong-its. Yung napakamahal nyong mga videoke, imbes na magpatahimik sa mga lugar ay nakakabulahaw. Kahit walang okasyon, dahil alam ng mga taong libre, kantahan nang kantahan hanggang madaling-araw.
Dahil sa mga pinamigay nyo nung last election, imbes na mahimok magtrabaho ang mga tao, ay para nyo pa pong hinimok maging tamad ang mga tao. Kung gusto nyo talagang makatulong, ganito po sanang mga projects ang gayahin nyo.
Pa-contest po iyan ng World Bank. Pagandahan ng mga community projects. Up to P1 million each ang grant sa bawat project na napili. P30 million ang total prize last year, 33 projects ang nanalo out of 500 entries.
Ang Pilipino, kahit saan ka magpunta, magkakalat at magkakalat basta walang makitang basurahan.
Madaling sabihing ibulsa muna yung maliliit na basura. Pero paano kung yung basura mo ay upos ng sigarilyo, stick ng banana-q, yung karton na lalagyan ng fishball na may sauce, cellophane na pinagsalinan ng softdrinks at marami pa?
I disagree na tayong mga Pilipino ay magkakalat at magkakalat basta walang makitang basurahan. May mga pagkakataon talaga na walang available na waste bins sa mga malls or kalsada pero maraming paraan para maitapon natin ang mga kalat natin na hindi magiging sanhi ng mas malaking problema.
Tama ka na mahirap ilagay sa bulsa ang upos na sigarilyo, stick ng banana-q, karton na lalagyan ng fishball na may sauce at marami pang iba. Pero ang issue ay kung paanong paraan natin ito maayos na maitatapon. Pero diba may mga basurahan ang mga nagtitinda ng fishball at banana-q? Nagiging issue lang naman kung trip nating kumain habang naglalakad. So ang problema ay kapag naubos na yung fishball o banana-q at walang basurahan sa paligid. Itatapon na lang ba natin kahit saan?
Malaki talaga ang pagkukulang ng pamahalaan pero may pagkukulang din ang mga mamamayan sa tamang pangangalaga ng kaniyang kapaligiran.
Ang tagumpay laban solid waste ay magmumula sa (1) determinasyon ng pamahalaan na ipatupad ang batas/ordinansa, pondohan ang regular na koleksyon ng basura sa mga komunidad at (2) disiplina ng mga mamamayan sa wastong pagtatabi ng basura at proper waste segregation.
...Pero ang issue ay kung paanong paraan natin ito maayos na maitatapon. Pero diba may mga basurahan ang mga nagtitinda ng fishball at banana-q? Nagiging issue lang naman kung trip nating kumain habang naglalakad. So ang problema ay kapag naubos na yung fishball o banana-q at walang basurahan sa paligid. Itatapon na lang ba natin kahit saan?
I agree, Sir erick, ang problema ay kapag naubos na yung fishball o banana-q at walang basurahan sa paligid. Mali pa rin kung basta itatapon sa kalsada pero lalong mali kung sa kanal itatapon.
Buti ka pa Sir erick, malaki pa rin pananalig mo sa mga kapwa natin Pilipino. Ako, malapit na maubos, katiting na lang, pareho sa ordinaryong mga Pilipinio at mga opisyal.
Malaki talaga ang pagkukulang ng pamahalaan pero may pagkukulang din ang mga mamamayan sa tamang pangangalaga ng kaniyang kapaligiran.
Ang tagumpay laban solid waste ay magmumula sa (1) determinasyon ng pamahalaan na ipatupad ang batas/ordinansa, pondohan ang regular na koleksyon ng basura sa mga komunidad at (2) disiplina ng mga mamamayan sa wastong pagtatabi ng basura at proper waste segregation.
Ito ang pinakaimportante sa lahat ...ang tagumpay laban solid waste ay magmumula sa determinasyon ng pamahalaan na ipatupad ang batas/ordinansa... Sapat na yung dami ng mga ordinansa; ang kulang ay political will para ipatupad ang mga ito.
December 2006, the City of Malabon launched the program "Adopt-a-Barangay" to solve the city's solid waste problem. It was an expensive and elaborate launching at Pescadores. I reckon that hundreds of thousands of pesos of the taxpayers' money if not at least a million, were spent on conceptualization, research, development and launching (daming taong inimbitahan at pagkain, ah). After a series of talks and hooplah during the launching, the program did not even take off the ground.
The reason? Eh mag-eeleksyon daw po ng 2007, wag daw munang i-implement dahil maraming botante ang magagalit"
Another program is "Oplan Displina Zone." Meron akong kopya ng implementing rules and guidelines nyan, ang ganda sa papel. Sa una lang pinatupad sa brg San Agustin and a few adjoining barangays. May pa-phase 1 - phase 1 pa sinasabi yung mga ibang opisyal. Ano nangyari? Ano pa, eh di wala?
Meron pang isang city ordinance that I personally witnessed being approved on its 3rd and final reading. Yung panghuhuli o pag-sisilo ng mga asong nagkalat sa lansangan. Ano nagnyari, wala pa rin.
Kung ayaw nga po talagang madisiplina ang mga tao, eh nasa mga opisayal na kung papano sila didisiplinahin. Kaya nga po may Adopt-a-Barangay at Oplan Disiplina Zone na ayaw naman ipatupad.
P.S. This is my last post in this forum. No more talks. We're all just wasting one another's time if we all talk and do nothing. I will not participate in this forum until I see concrete actions actually happening.
Umpisahan po ninyo sa mga simpleng solusyon kagaya ng mga basurahan na request ko. Di ko sinabing sa barangay namin. Umpisahan nyo po kahit saan nyo gusto.
Bye and thanks
« Last Edit: Aug 30, 2009, 9:21am by brokenarrow »
Joined: Jul 2009 Gender: Male Posts: 55 Location: Malabon City
Re: Solid Waste Problem Thread « Reply #10 on Aug 30, 2009, 6:18pm »
Nakalulungkot man pong isipin na bagama't gusto po ng inyong lingkod ang mapatupad ang nga ordinansyang inyong nabanggit, wala po sa aking kapangyarihan ang pag implement ng mga ito. Kami pong bumubuo ng sanggunian ay nasa legislative branch, ang implementasyon po nito ay nasa kapangyarihan po ng executive ofc. Ngunit ipapaabot po natin kay mayor ang ating mga concerns. But as of the moment, that's all we can do in connection with implementation of the said ordinances. I agree with what you stated, and I believe that implemented or not, we, individuals should be responsible and aware of our environment. Alam mo kaibigan maganda ang iyong idea. Kailangan ng Malabon ang katulad mong merong malasakit at ginagawa ang nalalaman kung papaano maayos ang mga problema. Ako ay tumutulong sa bayan hindi lamang dahil meron akong tungkulin bilang vicemayor ng ating bayan. Talagang gusto kung maging bahagi sa pagunlad hindi lamang ng ating bayan kung hindi sa ating bansa. In my own little way, I'm disseminating facts and consequences re: improper disposal of garbage. Umiikot po tayo ngayon sa mga day care centers (and eventually elemenetary and high schools) upang ipaliwanag ang kahalagahan ng proper disposal and recycling sa pamamagitan ng storytelling at film showing. May nakalinya na po na mga ff up projects kaugnay nito. Ang proyekto po ay kinakailangan ng involvement di lamang ng ating mga youths ngunit pati ang involvement ng mga magulang. I would greatly appreciate if you can find time to sit with us. We can show you our plans for the matter and your suggestions and insights are very most welcome. Pls contact my ofc and look fore Mr. Rene Tabora or you could leave your contact no. here. This is actually one of the goals of this website--for our kababayans to be involved in social development and whoever has the same advocacies as ours will join us in preserving the "gifts" God has given us. I hope that I may be able to work with you in the coming days. Thank you very much and God bless. Mabuhay po kayo.
... Talagang gusto kung maging bahagi sa pagunlad hindi lamang ng ating bayan kung hindi sa ating bansa.
Naniniwala po ako na tunay ang inyong hangarin di lamang para sa ating bayan kundi na rin para sa bansa.
Totoo na sa panahong ito ay wala po kayong magagawa para maipatupad ang mga ordinansang nabanggit ko at kahit kailan ay di pa po kayo nakasapi sa executive office ng ating bayan. Kaya di ko po alam kung kakayanin nyo o hindi kung sakaling dumating ang panahon.
Ngunit, ako po ay naniniwala na ang bunga kapag nalaglag sa puno ay hindi makakagulong nang malayo sa puno. If you have, even just half, of the brilliance and the vision of your father, whom I believe is the best mayor this city has ever had in our lifetime, I will support you all the way.
I’m not licking anyone’s behind, I’m just calling a spade a spade, sobrang sayang ang pagkawala ng iyong ama sa pamunuan ng ating bayan. Naniniwala po ako na kung natapos nya ang kanyang termino at naipatupad lahat ng kanyang plano, ay sobrang asenso na po sana ng ating bayan.
In my own little way, I'm disseminating facts and consequences re: improper disposal of garbage. Umiikot po tayo… upang ipaliwanag ang kahalagahan ng proper disposal and recycling…
Mawalang galang na po, hindi po ganun kadali yan lalo na po yung nabanggit ng isang nag-comment tungkol sa waste segregation dahil nga po matigas ang ulo ng karamihan sa atin. Malaki rin ang pagkukulang ng lokal na pamahalaan tungkol sa pagkokolekta ng basura at sa pagpapatupad ng mga ordinansa tungkol sa disiplina lalo na sa kalinisan.
Sa Marikina na napaka-efficient ng solid waste management (2 beses sa isang araw kung mangolekta ang mga garbage trucks dun), both in terms of waste collection and disposal ay hirap pa rin silang ipatupad yung waste segregation, dito pa po kaya?
Without the local government doing its part, you cannot ask the people to do their part; it takes two to tango.
If you ask me, pasensya na po Sir, I think you're shooting for the moon doing all those things, masasayang lang panahon mo sa mga ganyan.
Dahil nga po wala kayong executive power, I suggest implementing simple band-aid solutions; one simple baby solution and step at a time na di kailangang gastusan ng malaki.
Why not start with what we did here in our street? Yung mga baldeng basurahan na may kahoy na stand. E kayang-kaya nyo pong ipanghingi ang mga yan sa kumpadre nyong si Tac. I’m sure they have a lot to spare; yung mga reject nila.
Pag nalaman ko pong pinatupad nyo yan (I repeat, it doesn’t have to be in our barangay; wala rin kaming maasahan sa mga to), maybe that’s the time I will get in touch with your office. In the meantime, I’ll just remain as a lurker in this forum.
P.S. This is my last post in this forum. No more talks. We're all just wasting one another's time if we all talk and do nothing. I will not participate in this forum until I see concrete actions actually happening.
Umpisahan po ninyo sa mga simpleng solusyon kagaya ng mga basurahan na request ko. Di ko sinabing sa barangay namin. Umpisahan nyo po kahit saan nyo gusto.
Magandang araw po.
I must admit na mas malawak ang inyong kaalaman at karanasan sa temang ito. Ngunit tila yata napakaliit ng pagpapahalaga ninyo sa mga efforts na hindi tumutugma sa inyong mga naunang suhestyon (tulad ng information drive nina Vice). "Shooting for the moon" po ba ang magturo sa mga bata ng wastong paraan ng pagtatapon ng basura? Sana lang sir, i-treat mo na part of the solution even ang mga suggestions dito sa forum kahit na wala roon sa mga binanggit mong mga proyekto.
Alam mo sir, minsan nakita ko si Vice Mayor na bumaba sa kotse niya (naglalakad po ako sa isang major street) at kinausap nya yung isang estudyante (high school na po siguro 'yon) na basta na lang itinapon sa kalsada ang hawak niyang ng plastic ng softdrinks.
Maaring sabihin mo sir na "shooting for the moon" ang ganitong gesture pero, ilan po bang leaders ng lipunan natin ang may panahon at malasakit na gawin ang maliit na bagay na ito?
...Ngunit tila yata napakaliit ng pagpapahalaga ninyo sa mga efforts na hindi tumutugma sa inyong mga naunang suhestyon (tulad ng information drive nina Vice). "Shooting for the moon" po ba ang magturo sa mga bata ng wastong paraan ng pagtatapon ng basura? Sana lang sir, i-treat mo na part of the solution even ang mga suggestions dito sa forum kahit na wala roon sa mga binanggit mong mga proyekto.
Sir Allainski,
To describe Vice Mayor Vicencio's efforts as "shooting for the moon" was indeed uncalled for; and for that, I apologize. But please note that I didn't describe all his efforts and projects and the suggestions of others as such.
Dapat, salitang "mahirap" na lang ang ginamit ko para i-describe yung proyekto ni Sir Arnold tungkol sa waste recycling and disposal. Again, I apologize.
...Alam mo sir, minsan nakita ko si Vice Mayor na bumaba sa kotse niya (naglalakad po ako sa isang major street) at kinausap nya yung isang estudyante (high school na po siguro 'yon) na basta na lang itinapon sa kalsada ang hawak niyang ng plastic ng softdrinks.
Maaring sabihin mo sir na "shooting for the moon" ang ganitong gesture pero, ilan po bang leaders ng lipunan natin ang may panahon at malasakit na gawin ang maliit na bagay na ito?
Precious gifts do come in small packages.
Yun lang po.
Alam ko rin na minsan, sa may St. Francis Market, malapit sa kanto na may Caltex, ay bumaba si Vice Mayor sa kanyang sasakyan para sitahin yung isang traffic enforcer na nakita nyang inabutan ng kung ano man ng isang driver ng truck.
And I never described such simple acts as "shooting for the moon." In fact those are the very qualities that we all look for in a leader.
Balikan ko lang po kung bakit nasabi ko na mahirap yung proyekto ni Vice Mayor tungkol sa waste recycling and disposal.
Alam mo, Sir Allainski, madalas mas madali pang turuan yung mga bata kesa sa mga matatanda, yung mga magulang. Ito naman ay personal na opinyon lang: Ako ay naniniwala na kapag ang tao ay lumaki na walang kaayusan sa personal o panlabas na kalinisan (sabihin na nating salaula), tatanda yan at sasakabilang-buhay na ganun pa rin.
Minsan nasakay ako sa FX at nakakwentuhan ko yung driver. Nung napadaan kami sa C4 papuntang Makati, sa bandang kanan tinuro nya yung housing project na ginawa nung panahon ni Pres. Ramos (ito yung bago ba dumating sa unang stoplight o pagkalagpas?). Bandang Navotas na po ata ito. Ang ganda nun nung bago pa. Pero ilang taon lang ang nakalipas, sobrang pumangit na yung housing project.
Ito comment ng driver and please pardon the use of a word that some of you might find offensive (note na salita nya to at hindi akin). Ito sabi nya - "Alam mo, ang mga taong may "ugaling" squatter, kahit pa patirahin mo sa palasyo, ugaling squatter pa rin yan."
And I agree. Dahil yung dating napakagandang housing project na nabanggit ko na yung iba ay may mga balkonahe pa, may ibang naninirahan dun nilagyan ng mga maliit na parang kwarto yung balkonahe. Maaring paupahan o kung ano pa man.
Kung mahal nyo ang bayan natin, ako rin. Naaawa ako sa bayan natin dahil ang daming taong walang malasakit sa bayan natin. Puro pampersonal na ginhawa lang ang iniintindi at walang pakundangan sa kapakanan ng iba.
Madaling sabihin na dapat mag-umpisa ang disiplina sa sarili natin. Tayo at yung ibang nagbanggit nyan sa forum na ito ay kaya nating gawin yan. Paano yung iba na higit ang dami kesa sa atin?
In such cases, I'm sorry, but "precious gifts that do come in small packages" may, indeed, be precious, but they are not enough.
Yun lang po, Sir.
P.S. Please, read the blog of Seth Godin na nilagyan ko ng link sa last post ko. Seth Godin blogs about business marketing but that blog titled "Enormity" applies also to good governance. Also read the comments.
"The harder you work, the harder it is to surrender."
Joined: Jul 2009 Gender: Male Posts: 25 Location: Potrero, Malabon
Basura na naman pagkatapos ng Undas « Reply #14 on Nov 3, 2009, 8:04am »
Libu-libong tonelada ng basura na naman daw ang iniwan ng ating mga kababayan nitong nakaraang undas ayon sa mga pahayagan.
Kailan ba tayo matututo at magsisikap na pangalagaan ang ating kapaligiran? Magtataka pa ba tayo kung sa susunod na malakas na pag-ulan ay muli na naman magmimistulang dagat ang mga tirahan?
Sana po ay maging bahagi tayo ng solusyon at hindi karagdagan sa problema. Hindi naman siguro kalabisan na ipinun ang mga kalat natin at saka itapon sa designated areas di ba? Alam kong maraming issue ang nakapaloob sa problemang ito. Ang sa akin lang ay kailangan din namang gampanan ng bawat isa ang kani-kaniyang tungkulin at huwag lamang iasa sa pamahalaan ang pagresolba ng problema natin sa basura.